Genetic?

 Genetic din po ba ang magandang ngipin? Napansin ko po kasi, may mga friends ako na ang gaganda ng ngipin – pantay-pantay at talagang sparkling white. At hini naman sila particularly maingat sa pag-aalaga ng teeth nila. May boyfriend nga ako dati, ang ganda ng ngipin pero hindi naman nagtu-toothbrush regularly. – Regine C. of Calamba City

Yes, totoo yun, yung ngipin natin ay mana-mana. But nothing can replace good oral care habits. Kahit naman pinamanahan ka ng magulang mo ng good, strong teeth, kung hindi ka maalaga, darating at darating ang araw na magkaka-cavity pa rin. Malaking sayang!

By the way, may mga taong may special oral needs. Halimbawa, yung mga may maintenance nedicines, may possibility na nagsa-suffer sa dry mouth dahil nakatutuyo ng saliva ang iniinom nilang medicines. May mga pregnant women din na susceptible to gum infections o yung tinatawag na pregnancy gingivitis. Yung mga may asthmatic condition naman, they usually breathe through their mouth when they sleep. This can result in dry mouth at nag-i-increase ng formation ng plaque. Mayroon ding nagsa-suffer sa tinatawag na bruxism na nagpapahina kung hindi man tuluyang sumisira hindi lang sa ngipin kungdi pati sa bone structure na kinakapitan ng ngipin. Ang mga diabetics din – at maging ang mga people living with HIV/AIDS – ay may unique needs pagdating sa oral care. At ilan lang ito sa mga unique oral care needs ng iba’t ibang tao.

Isa pang magandang reminder para mapangalagaan ang ngipin, makabubuting limitahan ang snacking, lalo nan g mga miryendang high in simple sugars. Importante rin to eat a balanced diet.

Tuwing kakain tayo, may mga piraso ng pagkaing sumisksik sa pagitan at paligid ng ngipin. Ang mga ito ang nagpapalakas sa bacteria na nasa plaque o tartar. Ang bacteria na ito ang nagpo-produce ng acid. Kapag exposed ang ngipin natin sa acid na ito for 20 minutes or more everyday, sinisira nito ang enamel ng ngipin which leads, of course, to cavities.

Ngayon, kung hindi maiwasan ang pag-snack, makabubuting magsepilyo pagkatapos o kaya’y ngumuya ng sugarless gum.

Yung mga smokers, simple lang ang advice ko, quit. Isang proven scientific fact na ang paninigarilyo ay nakapagpapataas sa risk ng oral cancer, gingivitis, periodontitis at tooth decay. Ito ay maliban pa sa bad breath at stains sa ngipin.

Incidentally, magandang habit din yung ine-examine natin yung ating mouth regularly. We should watch out for swollen gums, chipped teeth, discolored teeth, sores or lesions sa gums, sa loob ng cheeks at sa dila. Importante ito lalo na sa mga smokers. Itanong ninyo sa inyong dentist kung saan yung mga areas na madalas nagkakaroon ng problema.

 

 


This entry was posted in Q & A. Bookmark the permalink.