Importance of Prophy

Gaano kaimportante ang dental prophylaxis? Yung anak ko kasing babae, 15 years old, gustong magpaganun. Ang sabi ko naman, wala namang problema ang ngipin niya, bakit siya pupunta sa dentista. At saka, basta’t regular naman ang pag-toothbrush, sapat na yun, di ba? Sa totoo lang, kaartehan lang kung tutuusin ang dental prophylaxis, di ba? – Lourdes Gatmaitan- of Pasi City

Mommy Lourdes, actually po, integral part ng oral care ang dental prophylaxis at least once a year. Ang pangunahing role na ginagampanan nito sa pangangalaga hindi lamang ng ngipin kungdi ng buong bibig ay prevention of dental diseases at, equally important, pagtuturo sa pasyente ng tungkol sa wastong oral care. Yes, hindi po sapat yung regular na pag-toothbrush lang. At lalong hindi po kaartehan lang ang dental prophy.

Generally speaking, kasama po sa procedure ng dental prophylaxis ang mga sumusunod:

  1. Tutuklasin ng dentist kung may existing problem, aalamin niya kung ano ang oral care habits ng pasyente, itatanong niya kung ano ang diet at kung kasama ba sa diet ng pasyente ang mga nutrients na kailangan ng ngipin, magbibigay din siya ng payo at rekomendasyon tungkol sa wastong pag-alaga sa bibig. 
  2. Magbibigay ang dentist ng instructions tungkol sa tamang pagsepilyo ng ngipin at paggamit ng floss – dahil hindi lamang pagsepilyo ang dapat na regular kungdi pati ang pag-floss. Gusto kong bigyang-diin na kadalasan, mali o kulang ang paraan ng pagsepilyo ng mga tao. Like, alam mo bang kailangang minimum of 2 minustes dapat ang pag-toothbrush? Ang nakagawian na kasi, minamadali ang pagsepilyo na ni hindi inaabot ng isang minuto. 
  3. Pagsagawa ng tinatawag na supra gingival scaling para tanggalin ang naipong plaque at tartar sa tooth surfaces, lalo na yung mga ngiping nakatago sa likod kaya hindi agad na nakikita. 
  4. Kung kinakailangan, mayroon pang tinatawag namang debridement of tartar sa ilalim ng gilagid. Ang tartar deposits kasi, kapag sumiksik na nang husto between the gum and the teeth, nagko-cause ng maraming problema later on tulad halimbawa ng gingivitis at periodontitis.
  5. Para sa mga kabataan, nakabubuting kasama sa dental prophy ang tinatawag na topical fluoride treatment hindi lamang bilang panglinis kungdi to strengthen the gums and the teeth din.
  6. Depende sa kondisyon ng ngipin, puwede ring kasama sa prophy ang pagpapakinis ng tooth surfaces.

Para sa mga bata, mainam na masanay sila sa regular prohylaxis para hindi sila takot sa dentista. In other words, kung halimbawang magkaroon ng seious dental problems later on, wala siyang stress factor dahil friend na niya ang kanyang dentist.

Actually, kulang pa ang mga ibinigay nating kaalaman dito tungkol sa dental prophylaxis. We’ll be glad to tell you and your daughter more sa pagdalaw ninyo sa Dental Focus.

This entry was posted in Q & A. Bookmark the permalink.